
Centro
Territoriale
Permanente
per l'Istruzione e la
Formazione
In
Età
Adulta
I. C. n. 7 Imola Dir. Scol. Dott.ssa Manuela Mingazzini D.S.G.A. Marisa Dalmonte Via Vivaldi, 76 Telefono 0542685100 Fax 0542684967 e-mail: ic7imola@legalmail.it 40026 Imola (BO)
AREA DOCENTI AREA STUDENTI NORMATIVA FAQ MAPPA SITO
INFORMAZIONI IN
ALTRE LINGUE
Filippino
CTP ay isang paaralang pang estato na nakalaan para sa matatanda na gustong matuto ng Italiano o makakuha ng Diploma di Scuola Secondaria di I grado (ex Licenza Media), Italian Middle School Certificate.
Ang mga kurso ng pag-aaral ng wikang Italyano ay libre, lahat ng antas. Kadalasan sa mga leksyon ay panghapon o kaya pang-gabi at ang bawat leksyon ay isinasagawa sa loob ng tatlong oras (i.e. dalawang linggong leksyon na may isang oras at kalahati bawat isa).
Maaaring mag-enrol kahit kelan: basta pumunta ka lang sa aming paaralan at magsagot ng isang form at ihanda ang iyong mga dokumento. At pagkatapos noon, magkakaroon ng isang panayam (interview) kasama ang mga guro ng paaralan para malaman nila kung anong kurso at antas ang nababagay sa iyo.
Pati na rin ang kursong Diploma di Scuola Secondaria di I grado
(ex Licenza Media) ay libre.
Maaari mong pasukan ang mga oras na ito:
Mula Lunes hanggang Huwebes.
Sa Biyernes may dalawang oras pang nakalaan para sa Information technology classes
(Klase ng Impormasyong Teknolohiya) at/o remedial work (o pambawi sa mga leksyon na
hindi nakuha). Maaari kang mabigyan ng discount/bawas sa oras/bilang ng pagpasok
depende sa magiging resulta ng entrance tests. Ang ilang remedial work ay maaaring
isagawa on line.
Ang mga asignaturang meron ay: Italyano, Kasaysayan at Geograpiya, Matematika at Agham,
Impormasyong Pang-teknolohiya at Ingles.
Ang simula ng pasukan ay Oktobre hanggang sa unang linggo ng Hunyo;
ang pagsusulit ay ginaganap sa kalagitnaan ng Hunyo.
Maaaring mag-enroll(magpalista) hanggang sa katapusan ng Disyembre: ang paraan ng
pagpapalista ay katulad sa klase ng Italyano.